WebClick Tracer

Darren hindi makapaniwalang nakasama sa concert si Sarah G

Hindi pa rin makapaniwala si Darren Espanto na nakasama niya sa kanyang concert si Sarah Geronimo.

Nag-share si Darren sa Instagram ng ilang photos nila ng Popstar Royalty sa nagdaan niyang 10th anniversary concert sa Araneta Coliseum.

Nagbahagi rin siya ng throwback photos nang maging parte siya ng Team Sarah sa “The Voice Kids Philippine”.

“I love you, Coach Sarah!” ani Darren.

“I can’t believe it. From a kid who used to watch you perform every Sunday on ASAP, collect your albums, movie DVD’s and get tickets to your concerts in Canada, to becoming part of your Team on ‘The Voice’ and having you perform with me at my own concert 10 years later! Maraming salamat po, Coach!” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on