WebClick Tracer

Babae sapol ng ligaw na bala sa entrapment operation sa Tarlac

Patay ang 24-anyos na babae matapos umanong masapol ng ligaw na bala sa isang entrapment operation ng mga pulis sa Gerona, Tarlac.

Ayon sa ulat sa “24 Oras”, nagbabakasyon lamang sa bahay ng kanyang mga magulang ang biktima nang mangyari ang insidente.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima, ayon sa kanyang inang si Pilipina Grasagin.

Dagdag pa ni Grasagin, hinabol umano ng biktima ang anak na tumakbo.

“Siguro ‘yung pagtakbo niya may tama na siya kasi nandito sila nakahiga eh,” saad ni Grasagin.

Ikinasa umano ang nasabing entrapment operation laban sa mga iligal na nagbebenta ng baril sa lugar.

Ilang bahay at hayop din umano ang tinamaan ng bala sa operasyon.

TELETABLOID

Follow Abante News on