WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 17, 2024 Lunes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Lunes, June 17, 2024
GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Babagal ang pasok ng biyaya kung magmamaramot. I-share ang iyong mga sobra sa kapos lalo na sa nangangailangan. Lucky number for today: 5

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Umoo sa isang imbitasyon. Habang nakikibaka ka sa paglutas sa problema ay meron kang makikilala na tutulong sa`yo. Lucky number for today: 4

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Ibahagi ang iyong mga nalalaman at kaalaman at bawasan ang pagkamahiyain. Sa paraang iyan ay unti-unti kang magsa-shine. Lucky number for today: 9

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Masisira ang iyong araw kung sasabayan ang pag-a-attitude ng isang kasamahan. Habaan pa ang pasensya. Lucky number for today: 6

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Lumayo muna sa mga taong mahihina dahil madali ka nilang mahawa. Makihalubilo sa mga taong puno ng pag-asa. Lucky number for today: 15

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Malaki ang chance na mapadpad ka pa sa ibang lugar. Ihanda na ang iyong mga gamit, pera o papeles upang di magipit. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Maging wise sa pagde-decide. Maganda ang magiging takbo ng iyong career at lovelife kung ipaprayoridad ang nararapat. Lucky number for today: 11

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Pairalin ang self-love. Sapat na pahinga o bakasyon ang iyong kailangan para maging panatag ang isip at kalooban. Lucky number for today: 14

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Umabante kung sigurado. Hindi ka makakausad o mahihirapang makarating sa pupuntahan kung paurung-sulong. Lucky number for today: 12

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Wag bibitaw sa anumang pinagdadaanan. Lahat ng iyong hirap o pasakit ay mapapawi sa takdang panahon. Lucky number for today: 10

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Unti-unti kang aangat pero wag kakaligtaang umapak pa rin sa lupa. Mabilis bumagsak ang mga taong mapagmataas. Lucky number for today: 13

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Nawawalan ng kakampi ang mga taong makasarili. Isipin lagi ang kapakanan nang pangkalahatan at wag ang sarili lang. Lucky number for today: 8

TELETABLOID

Follow Abante News on