WebClick Tracer

P6.8 milyong halaga ng droga, nadakma sa Caloocan City

Nakumpiska ng mga awtoridad nitong Sabado ang aabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang suspek na naaresto sa isang buy-bust operation sa Caloocan City.

Isinagawa ang police operation ng mga miyembro ng Northern Police District nitong Sabado ng umaga sa tahanan ng suspek sa Brgy. 14, ayon kay Police Major General Jose Melencio Naratez Jr., hepe ng National Capital Region Police Office.

Nakumpiska ng pulisya ang tinatayang isang kilo ng hinihinalang shabu.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on