WebClick Tracer

Rhenz Abando sasalang sa Strong Group-Philippines

Tutulungan ni Rhenz Abando ang Strong Group-Philippines sa kampanya nito sa 43rd William Jones Cup sa susunod na buwan.

Ang 26 taong gulang na si Abando ay isang free agent matapos na piliing huwag nang i-renew ang kontrata sa Korean Basketball League club na Anyang Jung Kwan Jang.

Si Abando ay may average na 9.9 puntos, 4.3 rebounds at 1.1 assists noong nakaraang season sa KBL.

Ang Jones Cup ay gaganapin sa Hulyo 13 hanggang 21 sa Taipei, Taiwan.

Sa Strong Group, makakasama ni Abando sina RJ Abarrientos, Angelo Kouame at Kiefer Ravena. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on