WebClick Tracer

Pantalan sa Oriental Mindoro magkakaroon na ng terminal sa mga incoming passenger

Hindi na lang paalis na pasahero ang may terminal building o pahingahan habang nag-aantay bago sumakay ng barko dahil ongoing na ang terminal building para sa mga pababa na pasahero mula sa barko sa pantalan ng Oriental Mindoro.

Ayon ito kay Oriental Mindoro PPA Manager Engr. Elvis Medalla.

Ang terminal ng incoming passengers ay may kapasidad na mahigit 300 na maaaring magpahinga muna pagbaba ng barko habang nag-aantay ng kanilang sundo.

Tugon umano ito sa reklamo na bakit ang mga paalis lang na pasahero ang may terminal building gayong kailangan din ng masisilungan ng mga kabababa lang ng barko, lalo na kung maulan at wala pa ang sundo, kasama na ang pangangailangan sa palikuran.

Sa MIMAROPA Region maaaring ang pantalan pa lang sa Oriental Mindoro ang may ganitong pasilidad. (Romy Luzares)

TELETABLOID

Follow Abante News on