WebClick Tracer

Palawan niyanig ng magnitude 5.1 lindol

Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Palawan ngayong Martes ng hapon, Hunyo 11.

Base sa datos ng Phivolcs, yumanig ang lindol ng alas-2:58 ng hapon sa may 99 kilometro sa silangan ng Roxas.

Naitala ang Intensity 3 sa Roxas at Intensity 2 sa Cuyo At Narra.

Inaabisuhan ang mga apektadong residente na manatiling alerto sa posibleng mga aftershock.

Nauna nang pinaalala ng Phivolcs na bagama’t walang aktibong fault line sa lalawigan ay posible pa rin itong yanigin ng lindol mula sa kalapit na mga lugar. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on