WebClick Tracer

Momshie na nagkamali sa pagsusuot ng toga hood ng anak, kinatuwaan

Kinaaliwan ng mga netizen ang video ng isang inang mali ang paglalagay ng toga hood sa anak sa hooding ceremony bago ang graduation.

Sa video na inupload sa Facebook, makikita na natawa na lamang ang anak sa pagsusuot ng toga hood ng ina sa kanya.

Nahiya pa ang anak dahil sa ginawa ng ina.

“Maaa😭sabeng umattend pag may practice 😂” saad ni Mier Karen Delos Reyes sa kanyang caption.

Tawang tawa naman ang mga netizen dahil sa ginawa ng ina ni Mier.

“Congrats nak, katapusan mo na😆”

“Congrats pde na mag madre🤣”

“AHAHAHHAHAHAHAHAHA UTAS”

“Ano ga😂congrats”

Umabot na ang naturang post ng 3.4K reactions at may higit 280K views.

(VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on