WebClick Tracer

MILF member na may patong na P1.3M sa ulo timbog

Naaresto na ng pulisya ang isang notoryus na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na itinuturing na national most wanted dahil sa patong-patong na krimen na kinasangkutan nito kabilang ang mga pagpatay at panununog sa Lanao del Norte.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Commander Wahad Gara, ito ay naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) nitong Biyernes sa Barangay Tuka, Marawi City.

Si Tuka ay kabilang sa mga national most wanted person na mayroong P1.3 milyon patong sa kanyang ulo dahil mga kinasangkutan nitong krimen kabilang ang pamamalsang sa ilang sibilyan at militar matapos ang ginawa nilang pag-atake sa Lanao del Norte noong 2008.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa kasong paglabag sa Article 324 Revised Penal Code o Crimes Involving Destruction kung saan wala piyansang nakalaan para sa pansamantalang kalayaan nito.

Si Gara ay miyembro ng 102nd Guerrilla Base Command ng MILF at malaik umano ang naging papel sa pag-oorganisa ng mga strategic operations ng Samahan. (Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on