WebClick Tracer

Michelle Dee naghubad sa magazine cover

Naghubad para sa isang magazine cover ang aktres at beauty queen na si Michelle Dee.

Sa Instagram ng L’Officiel’s, ibinida nito si Michelle para sa June/July cover issue ng naturang magazine.

Nakasunod ang tema ng shoot sa LGBTQIA+ Pride Month.

“Thank you @lofficielph for giving me my BOLDEST cover yet,” saad ni Michelle sa kanyang caption.

“Embracing my truth, owning my story unapologetically, and finding success in authenticity. I’m soooo proud to stand tall alongside all of you,” aniya pa. “All love always and HAPPY PRIDE.”

Si Michelle ay umaming bisexual noong 2023 matapos makoronahan bilang Miss Universe Philippines.

Nagtapos siya sa Top 10 ng Miss Universe 2023 pageant at nanalo ng ilang espesyal na parangal. Kamakailan ay kinoronahan niya ang kanyang kahalili na si Chelsea Manalo mula sa Bulacan. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on