WebClick Tracer

Mga barko ng China na na-monitor sa West PH Sea dumami

Dumami ang bilang ng mga na-monitor na barko ng China sa mga islang inookupa ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Base sa datos ng Armed Forces of the Philippines, mayroong kabuuang 146 Chinese vessel ang na-monitor sa walong isla mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 10, 2024.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 125 Chinese vessel na na-monitor noong Mayo 28-Hunyo 3, 2024.

Sa nasabi ring datos dumoble ang na-monitor na People’s Liberation Army Navy o PLAN warship ngayon sa 22 kumpara noong nakalipas na linggo na nasa 11 lang.

Namataan ang PLAN sa Ayungin Shoal, Pag asa Islands, Kota Island, Likas Island, Lawak Island, Panata Island at Sabina Shoal.

Samantala, mayroon ding mga na-monitor na Chinese Coast Guard vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Kota Island, Lawak Island at Sabina Shoal.

Mayroon ding presensya ng Chinese maritime militia vessels sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag-asa Islands at Lawak Island. (Edwin Balasa)

TELETABLOID

Follow Abante News on