WebClick Tracer

LRT-1 game rin sa libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

Hindi rin nagpahuli ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation sa palibreng sakay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Miyerkoles, Hunyo 12.

Libre ang sakay para sa lahat ng mga pasahero ng LRT-1 mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga; at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Susundin din nito ang normal holiday schedule nito.

Lahat ng biyahe ay magsisimula ng alas-5 ng umaga habang ang huling biyahe naman ay 9:30 ng gabi mula Baclaran station, at 9:45 naman mula Fernando Poe Jr. station.

Nauna nang nag-abiso ang MRT-3 ng kanilang libreng sakay bukas sa parehong mga oras. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on