WebClick Tracer

Jema Galanza, Tots Carlos aariba sa Alas Pilipinas

May dagdag sandata ang national women’s volleyball team Alas Pilipinas sa katauhan ng Creamline stars na sina Tots Carlos at Jema Galanza.

Inanunsyo ni national team head coach Jorge de Brito ang pagsama nina Carlos at Galanza sa Alas squad nitong Martes ng umaga.

Ani De Brito, magkakaroon sila ng tune-up nitong Miyerkoles, Hunyo 12 kasama na sina Carlos at Galanza habang sisimulan ang kanilang training sa susunod na linggo.

Nauna nang inalok sina Carlos at Galanza na mapasama sa Alas Pilipinas para sa 2024 AVC Challenge Cup pero parehong tumanggi ang dalawa dahil sa matagal nang nakaplanong celebratory trip nila sa Spain sa muling pagkakampeon sa Premier Volleyball League.

Nito lamang Mayo kinumpleto ng Alas ang historic AVC Challenge Cup campaign nang iuwi ang unang bronze medal ng Pilipinas sa naturang kompetisyon matapos kalusin ang Australia, 25-23, 25-15, 25-7. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on