WebClick Tracer

Jeepney driver na namahiya ng pasahero pinatawag ng LTFRB

Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes ng show cause order laban sa jeepney driver na umano’y namahiya ng pasahero dahil sa katabaan nito.

Base sa dokumento, ang driver at ang kanyang operator ay inutusang humarap sa isang pagdinig sa Biyernes, Hunyo 14, 2024.

Ang show cause order ay patungkol sa employing of a discourteous driver, failure to convey passenger and violation of safe spaces in public transportation.

Sa pagpapalabas ng kautusan, sinabi ng LTFRB na inaksyunan nito ang reklamong inihain at viral video na ipinost ng pasahero.

Iginiit din ng 29-anyos na pasahero na hiniling ng jeepney driver na bumaba siya dahil sa sobrang timbang at sinisi pa ang bigat nito bilang dahilan ng pagka-flat ng mga gulong ng kanyang jeepney. (Cherk Balagtas)

TELETABLOID

Follow Abante News on