WebClick Tracer

Italian ambassador bet tumira sa ‘Pinas

Nagpaalam na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente nitong Martes sa ginanap na farewell call sa Malacañang.

Sa kanyang mensahe sa Pangulo, ipinaabot nito ang pasasalamat sa gobyerno at sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino sa loob ng kanyang tatlong taon na tour of duty sa Pilipinas.

Sinabi ng ambassador na may espesyal na bahagi sa kanyang puso ang Pilipinas kaya plano nitong manirahan sa Pilipinas sa sandaling magretiro ito.

“I did something for me which for me was a sign of love for this country. I did something, which is very unusual for my colleagues, I decided to end a career here. Normally, people go back to the ministry to stay there for some months,” anang Italian ambassador.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na nalulungkot ito sa tuwing may umaalis na ambassador dahil sa nabuong pagkakaibigan sa panahon ng kanilang pananatili sa Pilipinas subalit masaya siya sa panahong ginugol at pananatili sa bansa.

“Everytime we lose a friend, all ambassadors after a while, we always feel we have made a friendship with them and everytime we lose that friendship to somewhere else, it’s a little sad,” anang Pangulo.

Si Clemente ay dumating sa Pilipinas noong August 28, 2021. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on