WebClick Tracer

Iniimbestigahang compound sa Porac, Pampanga nakitaan ng droga—PAOCC

Nakitaan ng droga ang iniimbestigahang compound ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ito ang ibinunyag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC Spokesperson Winston Casio sa programang Opinyon of the Day o OOTD sa Teletabloid.

Ayon kay Casio, may nakita silang ilang gramo ng droga at military uniforms na isasama nila sa ebidensyang isusumite sa korte para sa eksaminasyon at pagsusuri.

Dagdag pa niya, Lucky South 99 ang pinakatalamak sa pambubugbog, pangto-torture at pangi-ngidnap kaya laking pasasalamat niyang naipasara na ito.

Sinabi pa ni Casio na wala silang nahanap na ebidensyang magsasabing may kaugnayan dito ang lokal na gobyerno.

Gayunpaman, ibinahagi ng opisyal na patuloy ang pag-usad ng imbestigasyon.

“Doon sa organisasyon mayroon na po kaming inisyal na link diagram base sa mga interbyu, base sa mga dokumento, base sa kung anu ano pang ebidensiyang nakikita namin so far. Mayroon na kaming good idea kung sino iyong ilan sa mga nasa likod nito. In the next following days siguro makikita natin ang kabuuang picture po nito,” tinig ni PAOCC Spokesperson Winston Casio.

TELETABLOID

Follow Abante News on