WebClick Tracer

Dating Lakers coach kumampi kay Giannis Antetokounmpo

Nakahanap na ng bagong koponan si coach Darvin Ham matapos siyang palayasin ng Los Angeles Lakers.

Nakatakdang kumampi si Ham sa Milwaukee Bucks, na pinangungunahan ni Giannis Antetokounmpo.

“Darvin Ham is joining the Milwaukee Bucks as the top assistant coach to Doc Rivers,” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Ham ay babalik sa Bucks kung saan siya gumugol ng apat na season at naging parte nang makuha ng koponan ang korona noong 2021.

Samantala, sa kasalukuyan, ang head coach ng Bucks ay si Doc Rivers. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on