WebClick Tracer

BINI Day sa One Ayala Mall dinagsa ng ‘Blooms’

Dinagsa ng mga tao ang One Ayala Mall sa Makati City para sa “National Happy BINI Day” upang i-celebrate ang 3rd anniversary ng P-pop group nitong June 11.

Ilang eksena sa #HappyBINIDay event ng #BINI ang kumalat sa social media kung saan nagsama-sama ang BLOOMs at nakisaya sa iba’t ibang activities kabilang na ang dance workshops.

Tutungo rin sa Canada at US ang BINI para sa “BINIverse”.

Ang BINI ay binubuo ng walong miyembrong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena.

Nag-debut sila noong June 11, 2021 sa kantang “Born to Win”.

Maliban sa viral hit nilang “Pantropiko”, ilan sa mga kanta nila ang “Salamin, Salamin”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on