WebClick Tracer

Binabantayang LPA malabo nang maging bagyo

Malabo nang maging bagyo ang low pressure area o LPA sa loob ng teritoryo ng bansa na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito’y matapos na malusaw ang LPA ngayong araw, Hunyo 11.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro nito sa katubigan ng Garcia Hernandez, Bohol.

Sa kabila nito ay magdudulot pa rin ng pag-uulan ang LPA sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Agusan del Norte.

Nakaranas din naman ng mga pag-uulan ang ilang bahagi ng Metro Manila kabilang ang Las Piñas dahil naman thunderstorms. (Cherk Balagtas)

TELETABLOID

Follow Abante News on