WebClick Tracer

Barangay chairman sa Pampanga, driver itinumba sa gasoline station

Patay ang isang barangay chairman at driver nito matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang sasakyan dakong alas-4 ng hapon nitong Hunyo 11 sa Barangay Del Pilar, San Fernando, Pampanga.

Wala nang buhay si Chairman Ryan dela Cruz ng Barangay San Pedro Cutud nang dumating ang mga pulis.

Sa nasabing shooting, patay rin ang driver nito na hindi pa nakikilala habang sinusulat ang balitang ito.

Ayon sa mga saksi, pinaulanan ng bala ng mga suspek ang kulay maroon Mitsubishi Montero with plate number WQC 788 ng mga biktima habang nagkakarga sa isang gasoline station sa naturang barangay.

Ayon sa ulat, may tama ng bala sa kaliwang sentido si Dela Cruz na siyang sanhi ng pagkamatay nito.

Nasamsam ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng hindi pa malaman na kalibre ng baril.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya ang pangyayari ang motibo ng pamamaril.

TELETABLOID

Follow Abante News on