WebClick Tracer

Carlo Aquino hindi raw inimbitahan ang anak sa kasal kay Charlie Dizon

Hinahanap ng mga netizen si Enola Mithi, ang three-year-old daughter ni Carlo Aquino, sa kasal ng aktor kay Charlie Dizon kamakailan.

Ayon kay Ogie Diaz, nakausap niya ang mommy ni Mithi na si Trina Candaza.

Sinabi raw sa kanya ni Trina na hindi naman nag-ask si Carlo kung puwedeng mahiram at dumalo si Mithi sa wedding nito.

Papayagan naman daw ni Trina si Mithi kung nagsabi si Carlo.

“Naiintindihan naman natin si Carlo kung saan nanggagaling. Baka ayaw niya munang gambalain at gusto niya, focus lang siya sa anak niya kapag sila nagkita ni Mithi,” wika ni Ogie. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on