WebClick Tracer

Sisi Rondina inaway ng mga fan ng SB19

Nag-away online ang mga volleyball fan at supporter ng P-pop group SB19 dahil kay Choco Mucho star Sisi Rondina.

Nagsimula ito sa sinabi ni Rondina, member din ng Philippine national women’s volleyball team, sa isang Independence Day event sa Busan, South Korea.

Parehong guest ang Philippine women’s volleyball team at ang SB19 sa nasabing event.

Tinanong ang mga miyembro ng team kung kaninong performance ang hinihintay nilang panoorin.

Ilan sa mga player ang nagsabi na “SB19”.

Humirit naman si Rondina ng: “Ay hindi ko kilala ‘yon, Starbucks lang ang alam ko.”

Dahil dito, kinuyog siya ng A’TIN, ang fandom ng SB19.

Sa isang Instagram Live matapos ang event, humingi ng paumanhin si Rondina sa mga na-offend niya.

Aniya, hindi siya talaga pamilyar sa SB19.

Ipinagtanggol naman si Rondina ng mga volleyball supporter.

Narito ang ilan sa kanila:

“Ang lala lang talaga. Sorry for the word pero ang bobo ng a’tin na nag-tweet no’n. i’m an a’tin as well, and nakakagulat na may ganyan na palang issue. hindi man lang ilugar ang pagiging OA.”

“This is what i hate about supporting only one group, hindi lang sa SB19 may mga OA fans din ibang groups, para na silang kulto or fraternity.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on