WebClick Tracer

‘Pader post’ ni Trina Candaza dinumog matapos kasal nina Carlo Aquino, Charlie Dizon

Dinumog ng netizens ang post ni Trina Candaza, ang ex-girlfriend ni Carlo Aquino, matapos ang kasal ng aktor kay Charlie Dizon.

Sa Instagram post ni Trina nitong June 9, nag-share siya ng litrato ng isang pader na may nakasabit na painting sa kaliwang bahagi.

Nilagyan ito ni Trina ng caption na lotus emoji.

Binaha ng comforting words ang comment section ng post niya.

Narito ang ilan sa kanila:

“Wala ako sa posisyon mo pero ramdam ko ung sakit, mahigpit na yakap.”

“Hugs for you Ms. Trina and Mithi.”

“Darating ang araw na mag mamahal ka ulit ms trina.. ganun talga minsan may mga bagay na hndi para satin meron namang mga taong pinili tayong saktan para lang sa kaligayahan nila.”

Sina Trina at Carlo ay may isang anak, ang three years old na si Enola Mithi. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on