WebClick Tracer

Iwa Moto nag-celebrate sa annulled na kasal nina Pampi Lacson, Jodi Sta. Maria

Isa sa mga natuwa na napawalang-bisa na ang kasal nina Pampi Lacson at Jodi Sta. Maria ang kasalukuyang partner ng una na si Iwa Moto.

Nitong June 9 inanunsyo ni Jodi na finally after 13 years, pinagbigyan ng Supreme Court ang kanyang petisyon na ma-annul ang kasal nila ni Pampi.

Nag-post si Jodi ng quote at picture niya sa Instagram page nang ianunsyo niya ang balita.

Nakasaad sa quote, “So I close my eyes to old ends, and open my heart to new beginnings.”

Sa caption ng post, inamin ni Jodi na hindi naging madali ang paghihintay niya.

“It was frustrating, discouraging, and even heartbreaking. I cried, prayed, questioned and complained. I made ‘tampo,’ asked for forgiveness, prayed some more. I wanted to give up but He never let go of me,” aniya.

Nag-iwan ng komento rito si Iwa.

Aniya, “Let’s celebrate love you amor!”

Ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 at naghiwalay noong 2011.

May isa silang anak na lalaki, si Thirdy. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on