WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 11, 2024 Martes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Martes, June 11, 2024

GEMINI

(Mayo 21 – Hunyo 21)

May panghihinayangan ka sa`yong naging pasya. Panindigan na lang ito at harapin. Sa mga pagkakamali ka matututo. Lucky number for today: 8

CANCER

(Hunyo 22 – Hulyo 22)

May taong magpaparamdam ng espesyal na atensyon sa`yo. Wag agad siyang huhusgahan. Hayaan mo munang makilala pa siya nang husto. Lucky number for today: 3

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Kung hindi kaya ng iyong bulsa na sabayan ang lifestyle ng iyong mga kasamahan ay wag silang tapatan. Lumugar sa tamang kinalalagyan. Lucky number for today: 5

VIRGO

(Agosto 23 – Setyembre 23)

Iwasang magpaimpluwensya sa papetiks. Imbes na gumaya sa mga pakuya-kuyakoy ay ikaw ang magiging lodi nila sa pagbanat ng buto. Lucky number for today: 1

LIBRA

(Setyembre 24 – Oktubre 23)

Maging wais sa pagbadyet. Magaan ngayon ang pasok ng kaperahan sa`yong bulsa. Pero hindi ito nangangahulugang magiging waldas na. Lucky number for today: 6

SCORPIO

(Oktubre 24 – Nobyembre 22)

Pumalag at ilabas mo rin minsan ang iyong galit. Aabusuhin ka kung lagi mong ipapamalas na unlimited ang kabaitan mo at pasensya. Lucky number for today: 4

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 – Disyembre 21)

May pagdadaanan kang problema sa trabaho o pag-aaral. Hindi ito mapaplantsa sa pag-i-emote. Kalma lang. Magagawan mo ito ng paraaan. Lucky number for today: 7

CAPRICORN

(Disyembre 22 – Enero 19)

Wala sa iba kundi sa sarili mong mga kamay nakasalalay ang iyong tagumpay kaya tuloy lang ang laban sa buhay. Lucky number for today: 2

AQUARIUS

(Enero 20 – Pebrero 18)

Hangga’t nasa tama ka at walang natatapakan, gawin mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang makapagpapasaya sa`yo. Lucky number for today: 11

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Hindi ka basta mamaliitin ng mga maaangas mong nakakasalamuha kung ia-assert mo ang iyong authority. Lucky number for today: 10

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Ituloy ang simpleng pamumuhay. Kung ano ang kaya, yun lang ang pagkagastusan. Sa paraang yan ka unti-unting yayaman. Lucky number for today: 12

TAURUS

(Abril 20 – Mayo 20)

Makakasagap ng negatibong balita. Magdudulot ito ng di maganda sa kalusugan mo kung agad na magpapaapekto. Lucky number for today: 9

TELETABLOID

Follow Abante News on