WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 10, 2024 Lunes

Abante Horoscope para sa July 1, Lunes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Lunes, June 10, 2024

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Isang dating kakilala ang mag-aalok sa`yong magnegosyo. Bago magpa-magnet, siguraduhin munang hindi ka maloloko. Lucky number for today: 4

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

May mai-encounter kang saksakan ng yabang. KSP lang iyan o kulang sa pansin kaya sakyan mo lang at wag nang papatulan. Lucky number for today: 6

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Ugaliing maging punctual. Kaiinisan ka at iiwasan ng iyong mga kasamahan kung walang isang salita o laging late sa usapan. Lucky number for today: 11

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Patalikod kang pag-uusapan kung dugyot sa katawan. Ayusin ang sarili at i-maintain ang personal hygiene. Lucky number for today: 1

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Dadaan ka muna sa isang challenge bago mo makamit ang iyong target. Wag mawalan ng pag-asa. Laging magtiwala sa kakayahan. Lucky number for today: 9

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Magpalakas dahil mapapasabak ka sa isang event. Mag-vitamins, kumain ng sapat at matulog nang tama sa oras. Lucky number for today: 8

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Mas makakabuti ngayon sa`yo na mag-stay na lang muna sa bahay o sa isang lugar kesa sa gumala at gumastos. Lucky number for today: 5

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Ipagpatuloy ang pagiging matulungin. Magiging idolo ka ng nakararami at magmamarka ang katangian mong iyan sa kanila. Lucky number for today: 7

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Pairalin ngayon ang tiwala. Wag mo munang bigyan-pansin o problemahin ang iyong kutob. Iwasang

gumawa ng sarili mong multo. Lucky number for today: 10

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Wag sayangin ang oras sa walang kuwentang bagay. Makakaladkad ka sa kahihiyan kung makikisawsaw sa mga marites na kaibigan. Lucky number for today: 3

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Magdesisyon sa umaga at wag sa dapit-hapon. Mas magiging positibo ang dating nito kung isasabay sa pagsikat ng araw. Lucky number for today: 12

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Mai-invite sa isang gathering. Paunlakan ito dahil makakakilala ng taong magiging asset mo o tutulong sa`yong umasenso. Lucky number for today: 2

TELETABLOID

Follow Abante News on