WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 8, 2024 Sabado

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong June 8, 2024.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Iwasan ang mag-self pity, maraming magagandang bagay sa paligid mo ang pwede mong bigyan ng atensyon. Lucky color: Orange, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Ikaw na mismo ang lumayo sa tukso, huwag mo na munang i-challenge ang iyong sarili na makakaya mo dahil ang totoo, nakikipaglaban ka sa hindi mo sigurado. Lucky color: Grey, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wala namang lihim na hindi nabubunyag, hangga’t maaga pa putulin na ang ugnayan sa maling tao. May paglago sa negosyo, basta tamang staff ang piliin. Lucky color: White, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ngayon mo masusubok ang kasabihang gamitin ang utak hindi ang puso. Sa pinansyal, huwag maawa sa sinisingil dahil ikaw ang malulugi sa huli. Lucky color: Blue, lucky number: 16.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung aalis ng bahay, umiwas sa mga lugar na hindi ka pamilyar, maiging may kasamang kaibigan o kabarkada na matalino sa kalsada para iwas budol. Lucky color: Red, lucky number: 7.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May kapamilya ka na may lihim na mabigat na tampo sa iyo, kung may ideya ka kung sino ikaw na mismo ang unang lumapit sa kanya. Lucky color: Pink, lucky number: 24.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – ‘Wag na muna pumatol sa mga sale, mas kailangan mong magtipid ngayon dahil sa paparating na malaking gastusin. Lucky color: White , lucky number: 4.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Anuman ang iyong piliin, ikaw pa rin naman ang mag-iisip paano ito maisasakatuparan kaya huwag nang pahirapan ang sarili. Lucky color: Green, lucky number: 1.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Lumayo sa matataong lugar, may taong gustong pagnakawan ka. May taong lalapit para humingi ng tulong. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Alam mo sa iyong sarili na deserve mong sumaya, kaya bakit mo pa iisipin ang sinasabi ng isang taong namba-bash lang naman? Lucky color: Violet, lucky number: 20.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakahanap ka rin ng magandang opurtunidad, kung hindi ka na masaya sa trabaho mo ngayon, magsimula ka nang maghanap ng para sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 23.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Akala mo naka-move on ka na, pero ang totoo hindi pa. Kausapin mo siya nang personal para magkaintindihan kayo. Lucky color: Pink, lucky number: 22.

TELETABLOID

Follow Abante News on