WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 7, 2024 Biyernes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Biyernes, June 7, 2024

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

May isang pagsubok na pagdadaanan, kayanin. Sa dulo ng iyong mga paghihirap ay may ginhawang kapalit. Lucky number for today: 3

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Kumayod pa at magtipid. Baguhin ang may pagkaluhong lifestyle. Mababaon sa utang kung walang kontrol sa paggastos. Lucky number for today: 6

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Ihanda ang mga importante mong papeles. Bigla mong kakailanganin iyan dahil posible kang mapadpad sa ibang lugar. Lucky number for today: 13

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Wag mong baliin ang iyong pangako para di ka patalikod na pag-usapan ng mga kaibigan. Wag um-oo pag di sigurado. Lucky number for today: 8

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Dadapuan ka ng pangungulila pero kakaibang saya ang mararamdaman mo sa susunod na mga araw. Lucky number for today: 11

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Anuman ang mga pasanin mo sa`yong balikat ay wag mabahala. May makakatuwang ka sa pagbuhat. Lucky number for today: 9

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Wag magpupuyat kung may nakatakdang lakad. Maraming maba-bad shot sa`yo kung wala ka sa tamang oras. Lucky number for today: 7

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Ang pagiging palaban mo pero may kababaang loob ang magpapaangat sa`yo. Manatiling mapagmalasakit sa kapwa. Lucky number for today: 10

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Kahit ano’ng hirap ay tuloy lang sa pagsisikap. Magiging masagana sa susunod ang iyong hinaharap. Lucky number for today: 12

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Pagsisisihan mo sa takdang panahon ang mabilis na panghihina ng iyong katawan kung di pangangalagaan ang kalusugan. Lucky number for today: 5

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Ayusin ang iskedyul at magkaroon ng sistema. Gawing organisado ang bawat plano para hindi mabulilyaso. Lucky number for today: 14

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

May mai-encounter kang isang taong toxic. Diyan ngayon masusukat ng iba kung gaano kahaba ang iyong pasensya. Lucky number for today: 4

META: Alamin ang iyong kapalaran mula sa horoscope base sa iyong zodiac sign ngayong Biyernes, June 7 2024.

TELETABLOID

Follow Abante News on