WebClick Tracer

Stephen Curry may bagong baby boy

Nadagdagan ang pamilya ni NBA star Stephen Curry matapos isilang ang ikaapat nilang anak ni Ayesha.

Sa Instagram, ibinahagi ni Curry ang photo kung saan makikitang hawak niya ang kamay ng kanilang baby boy.

“Our sweet baby boy decided to make an early arrival!! He’s doing great and we are finally settling in at home as a family of 6! So grateful,” caption ni Curry.

“Caius Chai 5/11/24,” dagdag pa niya.

Si Caius ay ikalawang anak na lalaki nina Stephen and Ayesha.

Mayroon din silang dalawang anak na babae. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on