WebClick Tracer

Lolo na nagbibisikleta sa QC, nasagasaan ng armored car

Pumailalim sa armored car ang isang matandang lalaki na nagbibisikleta sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nasa U-turn slot ang biktima sa A. Bonifacio Avenue.

Galing naman umano sa U-turn slot ang armored car nang dumiretso ang matanda kaya nadale ito.

Halos isang oras umano bago nahugot mula sa ilalim ng armored vehicle ang biktima.

Ayon sa ulat ni Abante reporter Dolly Cabreza, dinala ang matanda ng mga rescue personnel ng Quezon City sa East Avenue Medical Center pero binawian din ito ng buhay.

TELETABLOID

Follow Abante News on