WebClick Tracer

Kim Ji-won bibisita sa ‘Pinas

Bibisita sa Pilipinas ang South Korean actress na si Kim Ji-won.

Sinabi ng management company ni Ji-won na HighZium Studio na dadalhin ng 31 taong gulang na aktres ang kaniyang kauna-unahang fan meeting na ‘Be My One’ sa iba’t ibang lugar sa buong Asya.

Kabilang na rito ang paghinto sa Maynila sa Agosto 3.

Samantala, ang iba pang karagdagang detalye katulad ng eksaktong lugar at presyo ng tiket ay hindi pa inaanunsyo.

Matapos ang Seoul event sa Hunyo, dadalhin ni Ji-won ang kaniyang fan meeting sa Japan, Taiwan, Macau, Thailand at Indonesia.

Naging popular si Ji-won sa pamamagitan ng mga serye na ‘The Heirs’, ‘Descendants of the Sun’, ‘Fight for My Way’, ‘My Liberation Notes’ at ‘Queen of Tears’. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on