WebClick Tracer

Danica Sotto napikon sa tsikang nambababae si Marc Pingris

Inamin ni Danica Sotto na napikon siya sa cheating allegations sa asawang si Marc Pingris.

Noong March na-link si Pingris sa aktres na si Kim Rodriguez dahil sa pagkakapareho ng photos na shinare nila sa social media.

Nauna nang itinanggi nina Pingris at Rodriguez ang intriga sa kanila.

Samantala, sa interview sa podcast ni Nelson Canlas, nag-react si Danica sa isyu.

“Napikon lang naman din ako du’n… parang nakakatawa kasi, ang dali-daling magtahi ng tao ng kuwento,” aniya.

Hinalimbawa niya ang pagkonek ng mga netizen sa Instagram Story niya tungkol sa betrayal and loyalty sa isyu ni Pingis.

Ani Danica, isang taong nanloko sa kanila sa negosyo ang pinatutungkulan niya sa post at hindi si Pingris.

Na-misinterpret lang daw ito at nabigyan ng malisya at kulay.

Sabi pa ni Danica, nakapag-usap sila ni Marc tungkol sa isyu at pinagsabihan niya ito na maging maingat sa mga taong nakakasama.

“Minsan kasi sa’yo wala lang ‘yun, you’re too friendly or accommodating,” aniya.

“Napikon ako ‘pag anak mo na ‘yung tinitira. May sasabihin na masama na very, very foul. I think ‘yung foul du’n is parang may mga sinabi na it’s the karma daw of my parents, ‘yung ganoon,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on