WebClick Tracer

Cum laude graduate sinorpresa, niregaluhan ng kambing ng dyowa

Aliw ang mga netizen sa post ng Cum Laude graduate mula Midsayap, Cotabato matapos siyang regaluhan ng kanyang boyfriend ng buhay na kambing sa mismong graduation day niya.

Sa post ni Camille Villoan, ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ng boyfriend kasama ang regalo nitong kambing.

“It was a very memorable experience being surprised.🥹” saad niya sa kanyang caption.

“I did not expect it because he is not the type of boyfriend who loves surprises and gifts! Thank you for showing your love! My success is your success as well!” aniya pa.

Tinawag niya pa ang sariling, “CUM LAUDENG MAY KAMBING!”

Sa isang video naman, makikita ang panonorpresa ng boyfriend ni Camille sa kanya. Makikitang tawang tawa naman ang mga taong nakapaligid sa kanila at todo kuha pa ng video sa pagbibigay nito ng regalong kambing.

Si Camille ay nagtapos bilang cum laude noong Linggo sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on