WebClick Tracer

China nagpapalakas: Robot dogs inilabas para magamit sa police, military ops

Hindi nagpadaig ang China pagdating sa robotic technology na puwedeng magamit sa police o military operation.

Ibinida ng China ang isang military exercise na puwedeng lagyan ng armas.

Sa isang video, makikitang ginagamit ang naturang robotic dogs sa joint military exercise ng China sa Cambodia na tinawag na Golden Dragon 2024.

Tumitimbang ang robot dog ng Chinese company na Unitree ng 15kg.

Bukod pa sa gaan, mayroon din itong 4D wide-angle perception system, at mabilis gumalaw at umiwas kaya madaling mararating ang target.

Sinasabing ang mas malaking robot dog ay puwedeng lagyan ng armas gaya ng assault rifle at kaya rin nitong umasinta ng target.

Sinabi ng tagapagsalita ng China forces na puwedeng gamitin ang robot dogs sa mga operasyon kagaya ng pag-atake sa kalaban.

Ayon naman sa mga ekperto, tila may tapatang nagaganap sa pagitan ng China at Amerika pagdating sa robotics na ginagamit sa mga pwersa ng militar.

Matatandaan na noong nakaraang taon lang ng ilabas ng US Marine Corps ang kanilang robotic goat na mayroong rocket launcher.

Taong 2020 naman nang unang ibida ng US ang kanilang robotic dog nang magkaroon sila ng isang military exercise sa state ng Nevada. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on