WebClick Tracer

Cebu Gov. Gwen Garcia kumalas na sa PDP

Nagbitiw na bilang miyembro ng Partido Demokratiko Filipino – Lakas Ng Bayan (PDP-Laban) si Cebu Gov. Gwendolyn Garcia nitong Martes, Mayo 28.

Inihayag ni Garcia na nagsumite siya ng kanyang resignation letter sa presidente ng PDP-Laban na si Rep. Jose Alvarez ng 2nd District ng Palawan.

Ayon sa gobernador, agad na nagkabisa ang kanyang resignation.

Sa letter, sinabi ni Garcia ang mga pagkakaiba sa pulitika at mga salungatan sa mga kasalukuyang miyembro ng PDP-Laban na dahilan ng kanyang desisyon na umalis sa grupo.

Nabanggit niya rin ang lamat sa pagitan niya at ng suspendidong Mayor ng Lungsod ng Cebu na si Michael Rama.

“Specifically, the complaint filed against me by Mayor Michael Rama, Vice President for the Visayas, with the Office of the President, has created an irreconcilable conflict,” saad sa letter.

““In light of these circumstances, I believe it is in the best interest of both myself and PDP-Laban that I step aside. Upholding my personal and professional values, while avoiding any actions that could be detrimental to the party, is of paramount importance,” aniya pa.

Nagpasalamat din si Garcia sa naging partido simula 2019.

Ang PDP-Laban ay ang dating naghaharing partido ng bansa na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, hindi naman ibinunyag ni Garcia ang kanyang susunod na partidong pampulitika habang malapit na ang eleksiyon sa Mayo 2025.

Bago siya umanib sa PDP, si Garcia ay bahagi ng United Nationalist Alliance (UNA). (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on