WebClick Tracer

Abby Binay nanumpa bilang miyembro ng NPC

Nanumpa si Makati Mayor Abby Binay bilang bagong miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ito ay matapos ang naunang pahayag ng NPC na target nila si Binay bilang isa sa mga kandidato nito sa 2025 senatorial elections.

Pinasalamatan ni Binay ang NPC at sinabing mananatili siyang nakatuon sa kanyang posisyon bilang alkalde ng Makati.

Ang asawa ni Binay na si Makati Rep. Luis Campos ang nanguna sa panunumpa sa NPC Clubhouse sa Quezon City ngayong Martes, Mayo 28. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on