WebClick Tracer

3 naiulat na nasawi matapos dumaan bagyong ‘Aghon’ sa Quezon province

Tatlo pang indibidwal ang naiulat na nasawi matapos dumaan ang bagyong ‘Aghon’ sa Quezon province.

Isang 22 taong gulang ang nalunod habang lumalangoy sa Talao-talao River.

Ayon sa pulisya, natagpuang lumulutang sa ilog ang bangkay ng biktima noong Lunes ng umaga.

Sa Brgy. Ibabang Talim naman, isa ang nasawi matapos mahulog sa kaniya ang puno ng mangga habang nagtatrabaho sa kulungan ng manok sa kaniyang bakuran. Dinala pa siya sa isang ospital kung saan siya idineklarang patay.

Habang sa Mauban, natagpuan ang bangkay ng isang cafe caretaker matapos ang baha sa Brgy. Santol noong Lunes.

Ayon sa pulisya, may diabetes at high blood pressure ang biktima. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on