WebClick Tracer

High-value drug suspect nadakma sa Pasay City

Isang lalaki na kinilala bilang high-value drug suspect ang inaresto sa isinagawang buy-bust operation noong Linggo sa Pasay City.

Sinabi ng Southern Police District (SPD) na naaresto ang suspek sa Brgy. 75, Zone 10, Pasay City.

Ayon sa SPD, nakumpiska mula sa suspek ang 300 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.

Ang mga nakumpiskang shabu ay itinurn-over na sa SPD Forensic Unit (SPDFU) para sa qualitative at quantitative analysis.

Nakakulong na ngayon ang naarestong suspek sa police custodial facility.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on