WebClick Tracer

Ping Lacson tinitimbang pa kung muling kakandidato

Tinitimbang pa raw ni former senator Ping Lacson ang pagbabalik sa politika sa kabila na malakas siya sa mga senatorial survey.

Inihayag ito ng dating mambabatas sa panayam ni Marlo Dalisay sa programang Parekoy ng Abante Teletabloid.

Inamin niyang nami-miss niya ang pagiging senador at ang public service pero hindi pa siya desidido kung kakandidatong muli.

“I’m still weighing my option kasi maraming mga prons and cons ‘yung nangyari sa bansa natin, sa politika. Ang pinakamalaking parang motivating factor sa akin… of course nami-miss ko ‘yung mga late nights natin nu’ng araw kapagka nagpupuyat tayo sa pag-scrutinize ng budget,” pahayag ni Lacson.

“Tapos ‘yung naipundar ko na rin sa mga Senate staff, ‘yung mga kasama natin noon na parang natuto na rin sila na ma-appreciate ‘yung what public service is all about… Natutuwa ako sa naipundar natin… nami-miss ko ‘yung mga araw natin na nagsasakripisyo tayo, na talagang genuine ‘yung ating public service at maski may nakakaaway tayo noon eh masaya pa rin tayo kasi alam nating tama ‘yung ginagawa natin,” dagdag niya.

“Kung ako lang masusunod parang 50 years simula nu’ng grumadweyt ako sa PMA parang tama na pero parang tama na nga ba? Nandoon ako ngayon,” patuloy pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on