WebClick Tracer

Nanliligaw na? Paulo Avelino binubusog ng regalo si Kim Chiu

Ibang level na ang closeness ng KimPau matapos mapaamin si Kim Chiu na binubusog siya ng mga regalo ni Paulo Avelino.

Kuwento ng Kapamilya actress, ilan sa gift ni Paulo sa kanya ay notebook at taping chair.

“May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko, tapos pinupuno ko siya ta’s tsaka ko siya papalitan. Tapos ‘yung nakita niya ‘yung notebook ko, gamit ko pa ‘yun no’ng ‘Fit Check’, ‘Linlang’, tapos umabot pa ng ‘Secretary Kim’, eh puno na siya, sabi niya, ‘’Wag ka na bumili ng notebook, ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook.’

“So binigyan niya ako ng apat na notebook,” saad ni Kim sa panayam ng ABS-CBN.

Maliban sa mga notebook, binigyan din daw siya ng “What’s Wrong With Secretary Kim” leading man niya ng taping chair para maging komportable siya.

“Bumili rin siya ng taping chair tapos ang comfy,” tsika ni Kim.

Paliwanag naman ni Paulo, “Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi parang maliit sa kanya. So, sige bigyan ko nga si Kim.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on