WebClick Tracer

Chiz: Romualdez walang kinalaman sa pagpapatalsik kay Zubiri bilang Senate president

Iginiit ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na walang kinalaman ang Kamara o si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagpapatalsik kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri.

Aniya, walang pakialam ang Kamara o si Romualdez sa liderato ng Senado.

“Nagkita kami last week, Wednesday, birthday ng ilang congressman kasama ‘yung kapatid ko pero it was an open and public gathering,” saad ni Escudero.

“Walang pakialam ang Kamara sa leadership change at gayundin ang mga komite ng Senado. Wala ring pakialam ang Senado sa leadership at mga komite ng Kamara,” dagdag niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on