WebClick Tracer

Bongalon: Ethics committee may hatol na kay Alvarez pero secret muna

Mayroon nang desisyon ang House Committee on Ethics and Privileges sa reklamong iniharap laban kay dating Speaker at incumbent Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Sa press conference nitong Martes, sinabi ng vice chairperson ng komite na si Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo Bongalon na nagpulong ang mga miyembro ng komite ng alas-10 ng umaga upang pag-usapan ang merito ng reklamo.

“And I apologize because I’m not at liberty to disclose the committee recommendation but what we have done earlier is that we have already approved the committee report as to the penalty or sanction to be imposed against Congressman Alvarez,” sabi ni Bongalon.

“Unanimous po ang naging botohan ng mga miyembro ng Committee on Ethics and Privileges para magrekomenda ng penalidad laban po kay Cong. Alvarez,” dagdag pa nito.

Iginiit naman ni Bongalon na ang desisyon ng komite ay recommendatory lamang at kailangang aprubahan sa sesyon ng plenaryo. Kakailanganin ng two-thirds vote ng lahat ng miyembro upang mapagtibay ang parusa. Mayroong 309 miyembro ang Kamara sa kasalukuyan.

Kinumpirma naman ni House Deputy Majority Leader at PBA party-list Rep. Margarita Nograles ang sinabi ni Bongalon.

“Antayin na lang po dun sa sinasabi po na once the committee report has been passed and mapag-usapan ng Committee on Rules, if this will be discussed in the plenary, then it would be again up to the members of the House to discuss the recommendation that the committee members today discussed during the committee hearing,” sabi ni Nograles.

Ayon naman kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe agad na ipadadala ng pinamumunuan nitong House Committee on Rules ang rekomendasyon ng komite sa plenaryo.

Sinabi ni Dalipe na maaaring pagbotohan ang report ng komite bago ang sine die adjournment sa Miyerkoles, Mayo 22. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on