WebClick Tracer

Heart proud wife sa panunumpa ni Chiz bilang Senate president

Proud wife si Heart Evangelista matapos opisyal na mahalal bilang bagong Senate president nitong Lunes ang kanyang asawang si Chiz Escudero.

Sa Instagram Story, ni-repost ng fashion icon ang clip mula sa ginanap na oath-taking ceremony para kay Chiz na pinangunahan ni Senador Mark Villar.

Sa video, makikita si Heart na nakatayo sa tabi ng asawa at pinagmamasdan ang mukha nito habang nanunumpa.

Pinalitan ni Escudero si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate president matapos magbitiw ang huli nitong Lunes. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on