WebClick Tracer

Wiretapping ng China paiimbestigahan ni PBBM

Paiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y Wiretapping ng Chinese embassy sa Manila laban sa mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasunod ito ng inihayag ng Chinese diplomat na mayroon umano silang kopya ng naging pag-uusap sa isang opisyal ng AFP kaugnay sa bagong modelo ng kasunduan para sa pangangasiwa ng China sa isa sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ng President na nakarating din sa kanya ang tungkol sa sinasabing tape kaya gusto niyang marinig ito para malaman kung ano talaga ang nilalaman ng wiretapped umano na pag-uusap.

“We are looking into ito it because the fact of the matter is there have been mentions of a tape that says that confirms that there was this agreement, etc. and I keep hearing that there is a tape and I’ve been wanting to hear it , and as yet we don’t have it,”anang Pangulo.

Sa ngayon ayon sa Presidente ay mahirap pang magbigay ng mga pahayag haggat hindi naririnig ang sinasabing wiretapped na pag-uusap.

“If it does exist, it is in the possession of the Chinese embassy and the Chinese government. So until they release it, we cannot be… it becomes harder and harder to believe and to accept that there was an agreement,” dagdag ng Pangulo .(Aileen Taliping )

TELETABLOID

Follow Abante News on