WebClick Tracer

Sunog sumiklab sa residential area sa Parañaque City

Nilamon ng apoy ang isang residential area sa Gomburza Street sa Barangay Sto. Niño, Parañaque City nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-10:41 ng gabi sa isang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay na gawa sa light materials.

Itinaas ng BFP ang ikalimang alarma habang patuloy na kumalat ang apoy sa residential area.

Pasado alas-3 na ng madaling araw ng Linggo nakontrol ng mga bumbero ang apoy.

Naapula naman ang apoy alas-5:30 ng umaga noong Linggo.

Ayon sa BFP, hindi bababa sa 70 bahay ang naapektuhan ng sunog. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on