WebClick Tracer

May nanalo uli! Masuwerteng mananaya kukubra ng P54-M jackpot prize sa Grand Lotto 6/55

Isang masuwerteng mananaya ang nakakuha ng P54 million jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw nitong Sabado ng gabi, Mayo 18.

Ang mananaya ay tumama sa Grand Lotto winning combination na 08-16-25-44-06-34 na may P54,082,689.80 na jackpot prize.

Wala namang nanalo sa Lotto 6/42 draw.

May winning digit combination ito na 36-25-39-08-24-10 na may jackpot na P5.9 milyon.

Ang iba pang mga panalong numero para sa digit na laro ay 6-1-5-7-5-3 para sa 6D Lotto, 0-5-2 para sa 3D Lotto, at 31-31 para sa 2D Lotto. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on