WebClick Tracer

Diwata inuulan ng balato sa mga viral video ng bloggers

Inuulan ng mga balato ang internet personality at may ari ng “Diwata Pares Overload” na si Deo Balbuena o mas kilala bilang Diwata matapos i-video at pagkakitaan sa social media.

Sa isang video na inupload ng isang Facebook user na “SALOMO21” makikitang inaabutan si Diwata ng pera galing sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Japan.

“Nagpunta kami dito last week ‘yung vinideo kita andami [views] meron kaming revenue,” saad ng OFW.

Maraming salamat. Sino pa kayang vlogger ang magre-revenue dito,” ani Diwata.

Makikita rin na dinudumog pa rin si Diwata ng mga vloggers para i-vlog at pagkakitaan ang kasikatan ng internet personality.

Matatandaan na kabi-kabila ang mga vlogger na gustong i-vlog si Diwata na kung saan bibigyan ng mga ito ang internet personality ng iba’t ibang bagay kagay ng gold bars kay Whamos, bahay kay Rosmar, Sasakyan kay Glenda at marami pang iba. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on