WebClick Tracer

Apl.de.ap pinuri SB19

Ipinagmamalaki ng Filipino-American rapper at singer na si Apl.de.ap ang P-pop group na SB19 dahil sa pagtaas ng mga ito sa mga Pinoy sa international stage.

“Maraming salamat for having me to rock with you guys. I am proud of you for representing our culture around the world,” saad ni Apl.de.ap sa unang gabi ng “PAGTATAG” Finale sa Big Dome in Quezon City nitong Sabado.

Ginulat ng SB19 at ni Ap.de.ap ang mga nanuod sa kanilang pag-awit ng hindi pa nalalabas na track.

“It was an honor to be on stage with you wow,” ani Justin.

“With the legend,” dagdag ni Ken.

Sinabi naman ni Stell na ang kolaborasyon ay ire-release “soon”.

Bukod sa Filipino-American musician, pinahanga rin ni Terry Zhong, Fortenors, Vocalmyx, at Maestro Louie Ocampo ang crowd sa mga world class performances.

Samantala, isiniwalat ng SB19 na isang documentary film para sa kanilang “PAGTATAG!” Ang panahon ay babagsak sa Agosto 2024.

Ginawa ang anunsiyo gamit ang isang maikling footage na nagtatampok ng ilang intimate snippet ng mataas at mababang bahagi ng kanilang paglalakbay sa panahon ng paglilibot.

Sinabi naman ng SB19 sa A’TIN na ang kanilang walang tigil na suporta ang patuloy na nagtutulak sa kanila upang magpatuloy.

“We appreciate everything you guys do for us. That is why as much as we can, we also want to give back. Even if you don’t ask we want to return the favor,” ani Ken.

“We keep saying it, we wouldn’t be here if it weren’t for you all,” dagdag pa niya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on