WebClick Tracer

3 natagpuang patay sa isang bahay sa Las Piñas

Patay na nang matagpuan ang tatlong indibidwal kabilang ang isang menor de edad sa loob ng isang residential area sa Barangay Pulang Lupa Dos sa Las Piñas City.

Nadiskubre ang mga bangkay matapos mapansin ng isang tao ang mabahong amoy na nagmumula sa isang silid ng bahay ng mga biktima dakong ala-1:34 ng hapon nitong Sabado.

Iniulat ito sa mga kaanak ng mga biktima, gayundin sa barangay at sa CAA police substation.

Nang pumunta ang mga awtoridad sa bahay upang i-verify ang ulat, nakita nila ang bangkay ng isang lalaki at dalawang babae na nakahiga sa kama.

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na patay na sila.

Batay sa ocular investigation na isinagawa ng pulisya, magulo rin ang mga gamit ng mga biktima.

Hiniling ng forensics unit na iproseso ang lugar para sa teknikal na aspeto ng imbestigasyon.

Sinabi ng kapatid ng isa sa mga biktima na huling nakitang buhay ang tatlong nasawi noong Miyerkules, Mayo 15. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on