WebClick Tracer

Visayas Grid nasa yellow alert ngayong Sabado ng gabi

Isasailalim sa yellow alert status ang Visayas Grid ngayong Sabado, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa advisory na inilabas nitong Sabado, sinabi ng NGCP na ipatutupad ang yellow alert sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang 7 pm.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na mas marami pang yellow at red alert ang inaasahan sa mga susunod na linggo.

Ito ay dahil nalampasan na umano ng bansa ang inaasahang pangangailangan sa gitna ng matinding init na dala ng El Niño. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on